Photo Courtesy: Pola News Network
(FOLLOW-UP STORY) NAPATAY ang isa sa mga suspect na bumaril at nakapatay sa radio broadcaster na si Cresenciano Bunduquin in Calapan City, Oriental Mindoro, ayon sa Police Regional Office (PRO) MIMAROPA.
Ayon pa sa PRO MIMAROPA matapos tumakas ang mga suspect sakay ng motorsiklo, hinabol ito ng anak na lalaki ng biktima at ‘aksidente umanong nabangga’ ng kanyang sasakyan ang mga suspect.
Tumilapon ang isa sa mga suspect na si Narciso Ignacio Guntan. Nabagok ang ulo nito at namatay, ayon sa report ng pulisya.
Nakatakas naman ang nagmamaneho ng motorsiklo.
Nakilala na rin ito, ayon kay Police Colonel Samuel Delorino, the Oriental Mindoro Provincial Police Office chief and Special Investigation Task Group commander.
“Nakilala na ang suspect matapos ang follow-up operation,” ayon kay Delorino. “We will update the public with details as to the development of the investigation. We guarantee to bring swift justice to the victim and his family,” dagdag pa nito.
Kaninang alas-4:20 ng madaling araw ng Miyerkoles nang pagbabarilin ng mga suspect ang biktima sa harap ng isang sari-sari store.
Naisugod pa ito sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Agad namang nagsagawa ng Task Force para tumutok sa kaso ni Bunduquin, ayon kay PNP public information office chief Police Brigadier Redrico Maranan.
Inaalam din kung may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang broadcaster ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
“We assure our media colleagues that the PNP prioritizes the security of those working in the media industry. The PNP Media Vanguards will directly oversee the course of investigation of this incident,” dagdag pa ni Maranan.
Si Bunduquin ay radio commentator sa DWXR 101.7 Kalahi FM MUX Online Radio.
