SINABI ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na walo katao na galing sa South Africa at dumating ng Pilipinas ang patuloy na hinahanap.
Ang South Africa ay isa sa mga bansa na kasama sa ipinatutupad na travel ban sa gitna ng mas nakahahawang Omicron variant ng coronavirus.
Sinabi ni Vergeire na sa 253 travelers galing ng South Africa na dumating mula Nobyembre 15 hanggang 29, walo na ang hinahanap. Hindi na rin matunton ang kinaroroonan ng mga ito.
“Sa 253 [travelers], 80 ang natunton na habang 77 sa mga ito ay OFWs habang tatlo ang mga dayuhan mula sa Region 6.
Patuloy pa rin ang beripikasyon sa natitirang 165 travelers, ayon pa kay Vergeire.
Apat naman sa 80 natunton ay muling sumailalim sa pagsusuri kung saan negatibo ang mga ito sa Covid-19.
Ang natitirang 76 ay hindi pa nasusuri.
