File photo
LAGUNA – Huli ang lider ng Papagayo drug group at kasamang babae sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa Sta.Rosa City.
Sa ulat kay Calabarzon Regional Director PBrig Gen.Eliseo Cruz ni Laguna Provincial Diretor PCol Rogart Campo, natukoy ang mga suspek na sina Alfredo Papagayo, alyas Pendong , 45, ng Purok 5 Brgy. Caingin, Sta.Rosa City at Celine Rivera Ebron ,24, ng 1328 Langka St. San Antonio, Binan City.
Hatinggabi ng Sabado nang magsagawa ng anti-illegal drug operation ang pinagsanib pwersa ng Drug Enforcement Team ng Sta.Rosa City ay PDEA 4-A sa Villa Caceres sa Brgy. Balibago ng bayang ito.
Naaresto ang dalawa nang magpanggap ang otoridad na bibili ng illegal na droga kapalit ang P6,000.
Kumpiskado ang 4.5 gramo na heat -sealed transparent plastic sachet na may lamang white crystalline methamphetamine hydrochloride, P1,000 drug money, P1,000 genuine money.
Nasa pangangalaga na ng Sta.Rosa City Police Station ang mga ebidensyang gagamitin laban sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag saRA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
