HINILING ng biyuda ni Negros Oriental Governor Roel Degamo at Pamplona Mayor Janice Degamo, sa Kamara na tanggalin bilang miyembro ng Kongreso si Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr.
Sa panayam, sinabi ni Mayor Mayor Degamo na isa rin siya sa nais na makabalik ng bansa si Teves upang depensahan ang sarili, particular ang pagkakaugnay nito sa pagkamatay ng gobernador.
“Meron pa po kaming ibang sinusulong sa Kongreso,” sabi ng mayora.
“Sana suportahan din ng Kongreso ‘yung amin talagang nire-request na,” daghdag pa nito.
Dalawa sa naarestong suspect, sina Joric Labrador at Benjie Rodriguez, kapwa dating mga sundalo ang nagsabing isang Cong. Teves ang nag-utos umano na itumba ang gobernador.
Nilusob ang bahay ng gobernador noong Marso 4 – pinagbabaril ang gobernador kasama ang ilang benepisaryo habang tumatanggap ng ayuda sa loob ng compound ng biktima. Walo katao pa ang nasawi sa insidente.
Mahigpit namang itinanggi ni Teves na sangkot ang kanyang kapatid na si Henry sa pagkamatay ni Degamo. Iginigiit na anggulong politika ang nagbunsod umano upang patayin ang gobyerno dahil magkalabang mortal sa politika ang dalawang angkan.
