Photo: PCG
UMABOT na sa baybay-dagat ng Barangay Casian, Taytay, Palawan ang epekto ng oil spill dahil sa paglubog ng MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro.
Ngayong hapon, ika-10 ng Marso 2023, pinuntahan ng mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel ang naturang barangay matapos matanggap ang impormasyon mula kay Barangay Captain Norbert Lim at sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Taytay.
Humigit-kumulang 159 nautical miles o 295 kilometro ang layo ng Barangay Casian, Taytay, Palawan sa katubigan ng Naujan, Oriental Mindoro.
Nang makumpirma ito, agad na sinimulan ng PCG ang assessment at paglilinis para maitaguyod ang kaligtasan ng mga residente.
