MARIVELES, Bataan- Dahil sa matagumpay na pagkakabakuna ng 823 katao sa unang wave ng vaccine expresse dito, nagpasalamat kahapon ni Councilor Jaja P. Castañeda sa mga staff na bumubuo ng Office of the Vice President at sa lahat ng kanilang medical volunteers na hindi nag-atubili na tumulong sa mapalaganap ang bakuna kontra COVID-19 sa Mariveles hanggang sa tuluyan nang waksan ang bantang dala nito.
“Maraming maraming salamat pong muli at magkita-kita po ulit tayo sa January para sa ating second wave na kukumpleto sa ating target na 1,500 jabs,” ani Konsehal Castañeda.
Sinabi rin ng first councilor na ngayon ay Vice mayoral candidate na “Nais ko rin pong magpasalamat sa ating mga kasama mula sa Mayor’s Office sa pangunguna ni Mayor Jocelyn P. Castaneda, MHO, MIS, PSO, MDRRMO, GSO, MENRO, MPS, DepEd – Balon Elementary School at sa mga opisyales at tanod ng Barangay Balon Anito sa pagsuporta at pagpapagal upang maging matagumpay ang pinakamalaking Pop-Up Vaccination Project natin.
Napakapalad po ng ating mga kababayan na may mga naglilingkod na tulad ninyo. Pati na rin po sa ating mga volunteers mula sa PUP, MMWGH at MariveLeni, maraming maraming salamat po.” Pinasalamatan din ni Konsehal Jaja ang MVE Core Team (Lorrain Joy Fabila, Ceries D. Glean, John Deihl Pineda, Jim de Leon, Albert Mendoza, Ma’am Jojie Madahan and Sir Den Villarreal),” at sinabing “gusto ko kayong iyakan sa sobrang pasasalamat ko sa inyo. Kay Tita Einna Seyer na muna tuloy ako napaiyak kagabi sa sobrang gratitude. Salamat po. Mahal ko kayo!”
Binigyang pagkilala rin ni Konsehal Jaja ang kanyang mga kababayan na sumuporta sa programa kahapon na hindi inalintana ang pila para mabakunahan.
“Ang lahat ng ito po ay para sa inyo! Lahat po ay gagawin natin upang wala nang mapinsala ang sakit na ito at patuloy nang maging ligtas ang lahat ng ating mga kapamilya dito sa ating bayan. Sulit po ang lahat ng puyat at pagod dahil sa inyo! Kitakits po tayo sa inyong 2nd dose at sa 2nd wave ng Mariveles Vaccine Express,” anang dalagang konsehala.
