Ni Cyrill Quilo
NASAWA ang dalawang katao sa magkahiwalay na aksidente sa kalsada sa kahabaan ng Quirino highway sa Tagkawayan, Quezon noong Biyernes . Nangyari ang unang aksidente kung saan unang nasawi ang 63-anyos na si Felipe Zara na sakay ng kanyang motorsiklo bandang ala 1:20 ng hapon.
Nabangga ang motorsiklo niya ng kasalubong na trailer truck na minamaneho ni Freddie Fuentes ng Dasmarinas, Cavite.
Nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa pababang bahagi ng highway sakop ng Barangay Bagong Silang nang biglang makawala ang reserbang goma ng trailer truck.
Nasawi ang rider ng motorsiklo matapos tumilapon at gumulong . Agad na naaresto ng otoridad ang truck driver . Samantala, nabangga naman ng Toyota Hi-Ace commuter van ang tumatawid na 52-anyos na si Cenon Panaligan.
Pasado alas 11:00 ng gabi nang tumawid ito sa Quirino Highway sa Brgy. Poblacion.
Dead on arrival na ito nang dumating sa pagamutan. Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang naarestong driver ng van na si Nicolas Oredo Jr., ng Cabuyao Laguna.
