Courtesy: Rise to Peace
NANGAKO ang pamahalaan na maglalaan ng sapat na pondo para mabayaran ang mga pinsala sa mga pamilya bunsod ng giyera sa Marawi City noong 2017.
Tutulungan ng Department of Budget and Management (DBM) ang Marawi Compensation Board (MCB) para sa tamang pagpopondo, pagkilatis sa pagpapatupad ng mga pamantayan ng Republic Act (RA) 11696 o ang Marawi Siege Victims Compensation Act, at iba pa.
Sa ilalim ng naturang batas, nakasaad sa MCB na pangasiwaan ang walang buwis na pagbabayad sa mga “qualified claimants” na nawalan ng tirahan at iba pang ari-arian noong Marawi siege.
