Skip to content
Metro Sun Daily

Metro Sun Daily

REAL NEWS * REAL TIME

  • Front Page
  • Home
  • Nation
  • Metro
  • Regions
  • Global
  • Feature
  • Entertainment
  • Opinion
  • Business
  • Sports
  • OFW
  • VP Sara Impeachment
  • Opinion

Alyansa ng mga anak ng mga pangulo

admin November 26, 2021

NAGING pangunahing balita kamakalawa ang pagsasanib-puwersa nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dating senador Jose “Jinggoy” Estrada at Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio.

Tinawag ito ng press release na inilabas ng kampo nina Marcos at Duterte-Carpio sa midya na pagsasanib-puwersa umano ng apat na malalaking partido sa bansa.

Kinabibilangan ito ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ni Marcos, Lakas Christian – Muslim Democrats (Lakas-CMD) na pinamumunuan nina dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Majority Leader Martin Romualdez, Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni dating pangulong Joseph Estrada at ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) na pinamumunuan ni Duterte – Carpio.

Maliban sa HNP, isa na rin sa mga pinuno ng Lakas-CMD si Duterte-Carpio makaraang manumpa ito bilang bagong kasapi ilang araw na ang nakaraan.

Kung susuriing mabuti, ang malakas lang na partido ay ang Lakas-CMD dahil marami itong miyembrong mga kasalukuyang kongresista at ilang opisyal ng mga pamahalaang lokal.

Ang HNP naman ay ilang piling gobernador at alkalde sa rehiyon ng Davao ang mga kasapi nito na pawang bilib kay Duterte-Carpio.

Ang PFP at PMP ay napakahina, sa aking pagkakaalam, dahil walang kasapian ang dalawang ito.

Ayon sa naibalita sa midya, nakabase ang PFP sa isang lalawigan sa Mindanao, samantalang ang PMP naman ay napabalita rin sa midya na ang mag-amang Erap at Jinggoy na lamang ang mga opisyal at miyembro nito.

Kaya, hindi masamang tawaging hindi alyansa ng mga political party ang pagsasanib-puwersa ng PFP, PMP, Lakas-CMD at HNP, kundi pagsasanib-puwersa at pagkakaisa ng mga anak ng mga naging pangulo at kasalukuyang presidente ng Pilipinas.

Si Marcos o BBM ay anak ng diktador na si Ferdinand Marcos na naghari sa bansa, sa pamamagitan ng batas-militar. Si Estrada ay anak ni Erap Estrada, samantalang si Macapagal-Arroyo ay anak ni Diosdado Macapagal.

Anak naman ni Pangulong Rodrigo Duterte si Duterte-Carpio.

Sa kanilang apat, si Macapagal – Arroyo pa lamang ang naging pangulo ng bansa.

Si Marcos Jr. ay malalaman pa lang natin kung magiging pangulo kung mananalo siya sa eleksyon sa susunod na taon. Kandidato siya ng PFP sa pagkapangulo. Ang kanyang kandidato sa pagkabise presidente ay si Duterte-Carpio. Si Macapagal-Arroyo ay muling tumatakbo sa pagiging kongresista ng ikalawang distrito ng Pampanga. Siguradong panalo na siya dahil wala siyang kalaban sa nasabing puwesto.

Si Jinggoy Estrada naman ay muling tumatakbo sa pagkasenador sa tiket ng PMP. Tanging siya ang kandidato ng PMP dahil walang kandidato sa pagkapangulo at pagkapangalawang pangulo ang nasabing mag-amang Estrada. Sina Marcos at Duterte-Carpio ay aampunin lang ng PMP dahil kukunin ng dalawa si Estrada bilang isa sa mga kandidato sa pagkasenador.

Kahit nagsama-sama sina Marcos, Estrada, Macapagal-Arroyo at Duterte -Carpio, hindi patitinag ang ibang kandidato sa dalawang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan, sapagkat sila rin naman ay nangungumbinsi ng mga beterano at baguhang mga pulitiko sa maraming lalawigan, lalo na sa mga binansagang “vote-rich provinces” tulad ng Cebu, Pangasinan at Cavite na kumampi sa kanila sa halalan. Sa Mayo 9, 2022 pa ang halalan.

Kaya, napakahaba pa ng panahong pagdaraanan ng mga magaganap na pagsasanib-puwersa ng mga pulitiko mula sa lokal hanggang nasyunal. Malalaman natin sa mga susunod na buwan kung kakampi sila sa alyansa nina Marcos, Macapagal-Arroyo, Estrada at Duterte-Carpio o hindi – sa kanilang kalabang mga pulitiko.

Post navigation

Previous Paid vaccination leave on workers getting jabs pushed
Next MPT South seals partnership with DILG IV-A for tourism, road safety

Related Stories

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings
  • Opinion

Beyond the Green Box: Uncovering Truth Amid Secrecy in Impeachment Proceedings

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?
  • Opinion

Why is VP Duterte trying hard to stop impeachment hearings?

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict
  • Opinion

Stranded in Hormuz: 2,000 Ships, 5,600 Filipino Seafarers Caught in Conflict

House of Representatives
APRIL 22, 2026
ODDNEWS

  • Man arrested for faking lotto ticket to claim ₱172M jackpot
  • General in Hot Water: Napolcom cites P70k shoes as grounds for charges
  • Christmas Tragedy: Italian man chokes to death on panettone during family reunion
  • Japanese Woman Weds AI: The future of relationships?
  • A Single Dad’s Desperate Act: Police Chief’s Kindness Saves the Day
  • Security guard returns lost P1.5M bracelet

Source: USD/PHP @ Wed, 29 Apr.

Weather

Manila
Current weather
-º
Sunrise-
Sunset-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
-
-
Forecast
Rain chance-
Manila weather

Latest Comments

  1. không che on Zaldy Co has no Portuguese passport, Embassy source says
  2. 나루토카지노 on Fuel prices poised for further surge next week: diesel P170/liter; gasoline P120/liter

  • Front Page
  • Home
  • About Us
  • Donation
  • Privacy Policy
  • Contact
  • Facebook
  • Instagram
©2026 MetroSunDaily. All rights reserved. | DarkNews by AF themes.