KUMIKILOS na ang pamunuan ng Department of Agriculture sa oversupply ng kamatis sa Nueva Vizcaya kung saan bumagsak sa P4-P12 kada kilo ang benta dahil sa sobrang dami ng supply.
May oversupply din daw ng kamatis sa bayan ng Aritao.
“Siyempre mababa ang presyo at hindi pa kukunin minsan ng buyer. Imbes na ibabalik sa kanilang lugar, minsan naghahanap na lang sila ng maluwag na area na doon nila itinatapon,” pahayag ni Norman Jester Flores, Aritao Municipal Agriculturist.
Pero sabi ng provincial agriculture office, wala namang nasasayang na kamatis sa Nueva Vizcaya. Ang mga itinatapon umano, mga reject na kamatis.
“Hindi priority, naiiwan and it takes 2 to 3 days talagang bulok na. So, ‘yun ang itinatapon talaga. Pero hindi naman [palagi] ‘yan,” pahayag naman ni Absalom Rizal Bayza, Provincial Agriculturist, Nueva Vizcaya.
Courtesy: Vivian Faye Fermantez
