DUMATING na sa bansa ang may 3,000 metric tons (MT) ng imported onions, ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI).
Sinabi ni BPI Information Section officer-in-charge Jose Diego Roxas na ang 3,000 MT imported na sibuyas ay dumating sa bansa noong Enero 26.
Dumaan ang 124 MT sibuyas sa first border habang ang 1,300 MT ay dumaan naman sa second border.
“Nasa 1,500 MT pa ng imported na sibuyas ang iniisnpeksiyon ngayon,” sabi ni Roxas.
Nagpalabas ng mahigpit na alituntunin ang Department of Agriculture (DA) sa mga dumarating na imported na sibuyas sa bansa.
Hindi pa rin umano maibigay ang report kung mas marami pang imported na sibuyas ang darating sa bansa.
Sa Enero 30 ay makikipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos sa mga opisyal ng Department of Agriculture upang malamang ang lahat ng detalye sa pagpasok ng sibuyas sa bansa. Kabilang sa tutukuyon ang kalagayan, produksiyon, cold storage areas, sitwasyo ng onion farmers at presyo ng sibuyas.
Nauna nang inaprubahan ng DA ang importasyon na mahigit sa 21,000 MT ng sibuyas upang matustusan ang kakulangan nito bunsod sa napakamahal na presyo nito sa bansa.
