LIMA ang nasawi, kabilang ang barangay captain, matapos silang tambangan sa Zamboanga del Norte.
Kinumpirma mismo ng provincial police director ng Zamboanga del Norte, si Police Col. Glen Dulawan, ang ambush Huwebes ng hapon sa Barangay Piña sa bayan ng Sirawai ng naturang probinsya.
Kabilang sa mga napatay si Alih Manangca na barangay captain sa Barangay Balubuan sa Sirawai.
Sakay sila Manangca at mga kasama ng isang kulay itim na Toyota Hilux pick-up truck patungo sa isang lugar nang tambangan ng mga armadong kalalakihan na nakaabang sa gilid ng highway sa Barangay Piña.
Nagtutulungan ang mga kasapi ng Sirawai Municipal Police Station at Zamboanga del Norte Provincial Police Office sa pag-iimbestiga sa insidente.
