
ILANG pananim na sa Paoay, Atok, Benguet ang nababalot na sa yelo o andap dahil sa lamig na dulot ng hanging Amihan. Kaninang umaga ay ganitong tanawin ang bumulaga sa kanila.
Ayon kay Pj Haight, ngayon lang kumapal ang andap na bumalot sa kanilang mga pananim, dahil nitong nakaraang linggo ay manipis lamang ang bumalot sa mga ito.

Pinaghahanda ang mga magsasaka sa posibleng matinding andap lalo na kapag peak ng Amihan. Ang peak o kung kailan naitatala ang pinakamababang temperatura ay nangyayari tuwing Enero o Pebrero, ayon sa PAGASA. Naitala ng ahensya ang 14.9°C sa BSU, La Trinidad, Benguet kaninang 7:59 a.m.
Courtesy: Pj Haight
