UMAABOT sa P19 milyong halaga ng asukal ang natuklasan sa Tondo, Maynila noong Enero 11.
Ang operasyon ay isinagawa ng National Government Agencies (NGAs) sa pamumuno ng Dept Of Agriculture Wide Field Inspectorate (DA-WFI) at sa pakikipagtulungan ng PCG Task Force Bantay ng Bumabangon na Magsasaka (PCG TF-BBM).
Limang container vans ang inalerto ng awtoridad matapos makatanggap ng report na posibleng smuggled ang laman nito.
