HININGI ngayon ni Interior Secretary Benhur Abalos ang pagbibitiw sa tungkulin ng mga generals at full colonels sa Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng paglilinis ng gobyerno sa hanay ng police force na sangkot umano sa illegal drugs.
Sa isang press conference, sinabi ni Abalos na nababahala sya sa pagkakasangkot ng ilang opisyal sa illegal na aktibidad.
“Ako ay nananawagan sa lahat ng full colonel hanggang sa general, ako ay umaapela na mag-submit ng courtesy resignation. Alam kong mabibigla kayo pero this is the only way to make a fresh start,” sabi ni Abalos.
Mayroon umano higit kumulang sa 300 full colonels at generals sa hanay ng kapulisan. Ang apela ni Abalos ay mula sa posisyon ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. hanggang sa at mga tauhan nito.
“Sana lang they will support this call [I hope they would support this call],” dagdag pa ni Abalos.
Magkakaroon ng limang miyembro ng komite na magrerebisa sa pagbibitiw ng police officers.
Hindi naman kinilala ni Abalos ang miyembro ng komite.
“This is a very radical move, but we have to do this,” ayon pa kay Abalos.
Para kay Abalos, wala naman umanong masama sa pagsusumite ng courtesy resignation kung hindi naman sila sangkot sa illegal na droga. Ang mga kokontra na lamang umano ang magiging kuwestyonable.
“Kung wala kang ginagawang masama, mag-file ka. At kung hindi ka magfa-file medyo kuwestyonable.
