WAGI ang aktres na si Nadine Lustre bilang Best Actress sa parangal ng Metro Manila Film Festival 2022 para sa pelikulang Deleter.
Sinabi ng aktres na hindi niya inaasahan ang parangal at masaya na nakasama sa top grosser ang kanyang pelikula.
Dahil dito, nagsabi ang aktres na magtutuluy-tuloy na ang paggawa niya ng pelikula sa susunod na taon.
“I am really really happy kasi para sa amin, para sa Team Deleter, enough reward na yung gustuhin siya ng mga Pilipino na panoorin, na mag-enjoy silang lahat na panoorin. Isang malaking malaking bonus para sa Team Deleter [yung Manalo ng awards]. I am really really happy.”
“I don’t think I am ever gonna stop. I don’t know how to explain it properly but I guess it kind of lit a fire in me,” she said.
“It’s a huge inspiration for me na. it’s not really about winning. It’s more of inspiring other people. Medyo nakaka-motivate kasi to see the result of what you are doing. Parang ang sarap sa pakiramdam na alam mo sa sarili mo na you gave your all, you know you did well. Ang sarap niya sa feeling.”
Bukod sa parangal, humakot din ng pitong tropeo ang Deleter kabilang ang Best Picture, Best Director kay Mikhail Red, Best Cinematography kay Ian Guevarra, Best Sound, Best Visual Effects, at Best Editing.
