
SA pagsalubong at pagdiriwang ng Pasko ngayong taon, hatid ng TV5 ang mensahe ng pagkakaisa at sama-samang pagbangon sa mga hamon ng pandemya sa bago nitong Christmas Station ID na pinamagatang “Atin Ang Paskong Ito, Kapatid” na opisyal nang mapapanood simula sa Nobyembre 22.
Sa kabila ng dinaranas sa gitna ng pandemya, nais ipaalala ng Kapatid Network ang kakaibang saya na ating nadarama tuwing Pasko. Tampok ang musika ng nag-iisang Sing Galing Sing-nior Hitmaker Rey Valera, ang “Ating ang Paskong Ito, Kapatid” ay nagpapahayag ng mensahe tungkol sa pag-asa at pagkakaisa sa anumang pagsubok.
Bago ang grand launch ng TV5 Christmas Station ID sa November 22, natunghayan ang lyric video nito sa episode ng Sing Galing noong Nobyembre 4. Ito’y kinanta ng Sing Galing cast na sina Randy Santiago, Rey Valera, K Brosas, Allan K, Ronnie Liang, Ethel Booba, at Donita Nose, kasama si Mandarhyme na isa sa mga sumulat ng lyrics ng kanta na sinulat din nina Peter Edward Dizon at Ivy David.
Sa direksyon ni Winnie Cristobal, ang kolaborasyong ito ay nagtatampok din sa musical arrangement ni Elhmir Saison at vocal arrangement ni Elke Saison-Ortiz.
“We invite everyone to join us in celebrating Christmas with renewed hope for better and happier days ahead. Through our new Christmas Station ID, we look back at the challenges and lessons that made us stronger; and at the same time, we march forward with stronger faith in God, in ourselves, and in our capacity to recapture the magic of Christmas as a whole community. Sama-sama, ikaw, ako, tayo, Atin ang Paskong Ito, Kapatid,” pahayag ng Cignal at TV5 President at CEO na si Robert Galang.
Huwag palampasin ang launch ng “Atin Ang Paskong Ito, Kapatid” Christmas Station ID ng TV5 kasama ang mga tinig ng Mandaluyong Children’s Choir ngayong Lunes, Nobyembre 22, bago ang FPJ’s Ang Probinsyano. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang TV5 website sa http://www.tv5.com.ph o icheck ang kanilang social media pages.
