IKINASA na ang dragnet operation ng Philippine National Police (PNP) matapos ang pag-ambush at pagpatay sa dalawang pulis sa Mabalacang City, Sabado ng madaling araw.
Limang lalaking nakasuot ng bonnet, long sleeves at sakay ng dalawang motorsiklo ang bumuntot kina Police Staff Sergeant Dominador Gacusan, Jr. at Police Master Senior Sergeant Sofronio Capitle, Jr. at pagbabarilin ang mga ito sa South Daang Bakal Road sa Barangay Dau, Mabalacat City, Pampanga.
Galing sa anti-drug operation ang dalawang nasawi at pauwi na nang habulin ng mga suspect.
Miyembro ng Drug Enforcement Unit ng Mabalacat City Police Station ang dalawang biktima.
