MAGBIBIGAY ng P5 milyong pabuya si Speaker Martin Romualdez sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng mga nasa likod ng pagpaslang sa beteranong broadcaster na si Percy Lapid.
Sinabi ni Romualdez na ang pabuya ay manggagaling sa personal na kontribusyon ng ilang kongresista, ayon sa ulat ni Tina Panganiban ng GMA News.
Si Lapid ay binaril at napatay ng gunman lulan ng motorsiklo noong Lunes ng gabi sa Las Pinas.
Nauna na ring nagbigay ng pabuya si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ng P500,000 at itinaas sa P1.5 milyon mula sa isa pang nagbigay ng pabuya.
