PATAY ang isang babae at ang sinasabing lover nito matapos magselos ang live-in partner ng ginang sa Balayan, Batangas nitong Biyernes.
Kinilala ang mga biktima na sina Analyn Alico at Edison Garilao
Nabatid na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang ginang at live-in partner nito dahil para pagsasaksakin. Nang duguang bumulagta ang babae ay pinuntahan ng suspect ang pinagseselosan nitong lalaki na noon ay nasa garahe at sunud-sunod ding pinagsasaksak.
Ang mga biktima ay isinugod sa ospital pero kapwa idineklarang dead on arrival sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa katawan.
