PATAY ang mag-ina sa pananaksak ng sarili umano nilang kamag-anak sa North York, Toronto.
Ang mga biktima, isang 44-anyos na Filipina at 20-anyos niyang anak na babae, ay nagtamo ng mga saksak sa katawan.
Sinabing rumesponde ang mga awtoridad sa isang tawag noong August 27 tungkol sa nangyaring krimen sa loob ng isang sasakyan malapit sa Bathurst Street at Ellerslie Avenue, ayon sa isang ulat ng CBC News.
Ayon sa pulisya, may “obvious struggle” na naganap sa loob ng sasakyan na sakay ang mga biktimang sina Elvie at Angelica Sig-Od, na parehong mula sa Toronto.
Natukoy ang suspek sa krimen na si Godfrey Sig-Od, 46, kaanak ng mga biktima. Nahaharap siyang sa reklamong two counts of second-degree murder.
Kaugnay nito, naglunsad ng GoFundMe page si Pastor Marvin Dolores, Head Pastor ng Lord of Glory International Ministries, upang makalikom ng pondo para maiuwi sa Pilipinas ang mga labi ng mag-ina.
“They do not have relatives here in Ontario to arrange their funeral, so as their pastor, I decided to ask for your help to raise funds,” saad ni Dolores sa page.
